Nasaan Ka Na Kaya?
Ang sumusunod na tula ay likha ng isa sa mga pinaka-astig at pinaka-talentado kong kaibigan na itatago ko na lamang sa pangalang flipflop. Isa siya sa mga nakapag-inspire sakin sumulat kaya sana ipagpatuloy niya lang ang kanyang nasimulan.
Hahaha, mukhang obvious na obvious na yata kung sino siya, ah, hehehe. Anyway, I did my best to keep your identity
Malamang naglalakad, tumutunganga,
nakatingin sa malayo, lumilipad ang isip,
wala sa sarili, nakasanayan na ang pagmumuni-muni.Malamang mugto pa rin ang iyong mga mata,
hindi na talaga nagsawa sa pag-iyak,
kulang na lang ubusin na ang lahat ng luha sa katawan.Malamang parati kang natitigilan,
naaalala mo ang mga panahong nagdaan,
naiisip mo ang ating mga kasiyahan at kalungkutan.Malamang nilulunod mo ang sarili mo sa trabaho,
o di kaya ibinubuhos mo sa iba ang buong atensyon
para unti-unti at dahan-dahan kang makalimot.Malamang, siguro, yan ang drama ng mga hindi sigurado.
Malamang, hanggang ngayon, iniisip mo pa rin ako,
siguro nangungulila ka rin kagaya ko.Pero pwede rin namang hindi pala,
hindi na ako sumasagi kahit saglit sa isip mo.
Malamang ako lang pala ang nawawala.Nasaan ka na kaya?
Malamang nakalimot ka na.
Panalo tong mga linyang to:
Pero pwede rin namang hindi pala,
hindi na ako sumasagi kahit saglit sa isip mo.
Malamang ako lang pala ang nawawala.
Waaaah! Tagos sa dibdib
(
03/12/2008
tugsh!
03/12/2008
hehehehe
wink, wink, wink
03/14/2008
astig! ^_^
03/14/2008
oo, astig
hehe, nakakarelate talaga ako sa tula na to
03/16/2008
woi walang bagong entry? magsulat ka pa, madam!
03/17/2008
hahaha
oo nga, medyo naubusan kasi ako ng angst for the past few days. actually may gusto akong isulat. di ko lang alam kung paano ko isusulat
)
03/17/2008
madali lang yan, kuha kang papel at bolpen/labis/ink-feather at simulan mong paduguin ang papel. woohooo.
hehe pero seryoso, i-jot-down mo lang kahit magulo, saka mo na lang i-organize.
ganbatte ne?
03/17/2008
hahaha, sige it-try ko i-organize ang mga kalokohang nasa isip ko