Kailangan yatang dagdagan ang ginagawa ko ah… Pumatol ba naman sa survey? Hehehe, anyway, Iskolar ng Bayan Survey naman eh (palusot pa!)
1. Student number: 98-37126
2. College: Engineering
3. Ano ang Major mo? – BS Electonics and Communications Engineering
4. Nag-shift ka ba o na-kickout?
Nope, nakagraduate ako sa Eng’g!!! (after n! years nga lang)
5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
UP Baguio
6. Favorite GE subject?
Soc Sci 1 (Sir Palis!), Soc Sci 2 (kung saan ko natutunan and ibig sabihin ng pagiging ‘Machiavellian’) at STS (Prof. Arcilla!) kung saan nanonood lang kami ng sine at kung saan ko natutunan ang ‘Science of Beauty’ (0.7 pala ang dapat na waist to hip ratio ng mga babae para maging sexy… 0.74 ako – malapit na! hehehe)
7. Favorite PE?
Lahat ng PE ko: Swimming, Social Dance, Street Dance, Wall Climbing at Basic Life Saving
8. Saan ka nag-aabang ng hot babe/men
Unfortunately, dahil ECE ako, wala akong oras at interes sa mga hot men. Kelangan kong paganahin ang MP ko.
9. Favorite prof(s):
Doc M, the best! CEL, no. 1! Sinundan ko pa siya hanggang sa kung saan siya nagtratrabaho as a consultant at nagpakadalubhasa ako sa RF. Sa’n ka pa? Hehe
10. Pinaka-ayaw na GE subject.
Kasaysayan I – yuck talaga ‘to. Bakit kasi wala pang RGEP nung panahon ko?
11. Kumuha ka ba ng Saturday classes?
Basic Life Saving at Swimming
12. Nakapag-field trip ka ba?
Yep, para sa PI 100. Ang creepy ng mga simbahan. Ayoko nang pumasok sa mga ganun.
13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
Yep, nung first year. After that, masaya na ako kung pumasa man ako sa mga EEE subjects ko (diyos ko po! iniiyakan talaga ang EEE 23 at COE 115). My God, maraming salamat at nakagraduate ako!!!
14. Dorm, Boarding house, o Bahay? – Molave Residence Hall
15. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
It’s not the getting in to UP that’s hard, it’s the staying. Yahoo!!! Nakagraduate akong ECE!!! Wootwoot!
16. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Karen Anne Garcia Conanan
Still one of my closest friends
18. First play na napanood mo sa UP?
St. Louis Loves Dem Filipinos – di ko to nagustuhan pero mataas nakuha ko sa reaction paper. Hehehe
19. Saan ka madalas mag-lunch? – Molave Cafeteria
20. Masaya ba sa UP? - The best!
21 . Nakasama ka na ba sa rally?
Never kahit para sa EDSA 2. Nag-aaral yata ako nung mga panahon na yun.
22. Ano ang favorite spot mo sa UP?
Acer, saan na nga ulit yun? … Joke